-- Advertisements --
Napili ng World Boxing Council (WBC) para maging mandatory challenger ni undefeated Filipino boxer Mark Magsayo si Gary Russel Jr.
Ito ang ginawang anunsiyo ng WBC para sa laban sa WBC featherweight belt na hawak ngayon ni Russel Jr.
Itinuturing naman ni Magsayo ito bilang “Dream fight” para makuha niya ang WBC belt na hawak ni Russel mula pa noong 2015.
Pinuna din ng Pinoy boxer ang US boxer dahil minsan lang sa isang taon ito kung lumaban kaya hawak niya ang nasabing belt ng matagal.
Si Russel ay mayroong 31 panalo, isang talo na may 18 knockouts.
Inaayos pa ng WBC ang petsa ng laban ng dalawa.
Magugunitang pinatulog ng 26-anyos Tacloban City native si Julio Ceja ng Mexico para sa kanilang WBC title eliminator sa Las Vegas.