-- Advertisements --

Maagang pinaghahandaan ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang nalalapit na laban nito kay WBC featherweight champion Gary Russel Jr.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Enero 22 sa Borgata Hotel Casino sa Atlantic City sa New Jersey.

Nakuha kasi ni Magsayo ang mandatory title shot laban sa American boxer matapos ang pagpapabagsak nito kay Julio “El Polito” Ceja sa loob ng 10 round noong Agosto.

Sinabi ni Magsayo na ito na ang laban na kaniyang hinihintay at kaniya na itong maagang pinaghahandaan.

Huling lumaban si Russel ay noong Pebrero 2020 ng manalo sa pamamaigtan ng unanimous decision laban kay tugstsogt Nyambayar ng Mongolia.