-- Advertisements --

Tinalo ni Filipino boxer Mark Magsayo si Pablo Cruz ng US sa loob lamang ng apat na round ng sa 10-round featherweigth fight.

Magsayo and Cruz

Mula pa lamang sa simula ay inulan na ni Magsayo ng suntok ang kalaban sa kanilang laban na ginanap sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Tatlong bese pa na pinabagsak ni Magsayo ang 34-anyos na Texan boxer para makuha nito ang ika-22 panalo.

Unang pinatumba nito sa kalagitnaan ng ikalawang round matapos ang matinding suntok na pinakawalan nito at pagdating ng ikatlong round ay nakapasok ang hook ng Pinoy boxer.

Pagpasok ng ikaapat na round ay doon na pumasok ang matinding suntok at bumagsak ang American boxer kaya nagdesisyon ang referee na itigil na ang laban.

Ito na ang ikalawang panalo ni Magsayo sa US sa ilalim ni boxing coach Freddie Roach.