Nakahanda na si Pinoy boxer Mark Magsayo para sa kaniyang unang pagsabak sa super featherweight title.
Gaganapin ang laban nito sa Disyembre 9 sa Long Beach, California kung saan makakaharap niya si Isaac Avelar ng Mexico.
Umakyat ng timbang ang dating Pinoy WBC featherweight champion matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo nito.
Magugunitang nakuha nito ang WBC featherweight champion title ng talunin si Gary Russel noong Setyembre 21,2021 pero natalo naman nito ang titulo sa unang defense fight niya kay Rey Vargas ng Mexico noong July, 9, 2022.
Matapos ang ilang buwan ay tinalo rin siya ni Brandon Figueroa para sa interim WBC featherweight belt sa pamamagitan unanimous decision.
Si Aveilar ay beteranong boksingero na nakaharap nina dating WBC at WBO super bantamweight world champion Stephen Fulton at dating WBA super featherweight titlist Hector Luis Garcia.