-- Advertisements --

Magiging bahagi ang Pinoy boxer at wala pang talo na si Mark Magsayo bilang isa sa undercard sa August 21 championship fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Errol Spence.

Makakaharap ni Magsayo ang Mexican boxer na si Julio Ceja para sa WBC featherweight elimination match.

Ang kanilang 12-round 126-pound match ay posibleng magdala sa mananalo upang labanan ang long reigning WBC featherweight champion na si Gary Russel Jr.

Si Magsayo, 26, ay No. 5 sa WBC rankings at No. 11 naman si Ceja na contender.

Nasa ilalim din si Magsayo ng Pacquiao promotional company kung saan si coach Freddie Roach din ang trainer.

Huling laban ni Magsayo ay noon lamang Abril 10 kung saan ito ay nanalo kay Pablo Cruz na isa ring Meksikano sa 4th round.