-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati matapos na magwagi si Filipino boxer Mark Magsayo laban kay Eduardo Ramirez ng Mexico.

Nakuha ni Magsayo ang unanimous decision sa kanilang World Boxing Association (WBA) Super featherweight bout na ginanap sa MGM Grand Las Vegas.

Ito na ang pangalawang laban ni Magsayo sa 130 pounds kung saan nakuha nito ang score mula sa judges na 97-92, 99-90 at 97-92.

Mula sa unang round ay pinaulanan na Magsayo ng suntok ang kalaban kung saan napatumba pa niya ito sa ikatlong round sa pamamagitan ng kaniyang right hook.

Sa pagpasok ng ikalimang round ay ipinakita muli ng Pinoy boxer ang pagiging dominante niya ng tumama ang kaniyang kaliwang hook na nagbunsod sa paglipad sa mouthpiece ni Ramirez.

Mayroon ng record ngayon si Magsayo na 26 panalo, dalawang talo na mayroong 17 knockouts habang ang 31-anyos na si Ramirez ay mayroong 28 panalo, apat na talo at tatlong draw na mayroong 13 knockouts.