DAVAO CITY – Nakapagtala ang lalawigan ng Magsaysay Davao del Sur ng tatlong mga indibidwal na sugatan matapos maputukan sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.
Base sa imbestigasyon ng Magsaysay Municipal Police station, naputukan ng kuwetes ang mga biktima na agad isinugod sa Viacrusis Medical Hospital sa lungsod Bansalan sa nasabing lalawigan.
Samantalang dahil sa mahigpit na pagpapatrolya ng mga kapulisan ng Panabo, SWAT Team at mga personahe ng 2nd DNPMFC, nakarekober sila ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Nasa halagang P16,220 ang halaga ng mga paputok ang kanilang nakumpiska.
Inihayag naman ni Police Colonel Kirby John Kraft, head ng Davao City Police Office, nakahuli sila ng limang mga indibidwal na gumamit ng paputok kung saan tatlo nito mga menor de edad.
Nahuli ang mga ito sa Bunawan, Tugbok, Baguio, at Mandug nitong lungsod.
Nasa kustodiya ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad.
Wala namang firecracker-related injuries na naitala sa lungsod ng Davao at wala ring biktima ng stray bullet sa pasalubong ng bagong taon sa lungsod.
Kung maalala, nasa 20 taon ng ipinatupad sa lungsod ang fire cracker ban ordinance na inihain ni dating Mayor at ngayong Pangulong Rodrigo Duterte noong 2002.