Bibigyan ng Department of Agriculture (DA) ng tulong ang mga onion farmer sa ilang mga probinsiya sa Central Luzon bunsod ng pamemeste ng armyworms sa mga pananim.
Sa isang statement, sinabi ng DA na nagbigay ito ng mga tulong pinansiyal at mga materyales para sa mga magsasaka gaya ng onion seeds, pheromone lures para mapuksa ang mga peste at oil-based insecticides sa mga magsisibuyas na apektado sa ilang bayan sa Nueva Ecija at Tarlac.
Ayon sa DA base sa datos mula sa Bureau of Animal Industry, nasa 366 mula sa 10, 217 eklarya ng pananim na sibuyas ang sinalakay ng armyworms.
Iniulat naman ni Bureau of Plant Industry director Gerald Panganiban na tanging nasa 6.9 ektarya lamang ang labis na napinsala.
Kabilang sa mga naapektuhan ay sa Bongabon at Talevera, Palayan City towns sa Nueva Ecija, at bayan ng Anao at San Manuel sa Tarlac. (With reports from Bombo Everly Rico)