-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa nang patuloy na pagbuhos ng ulan, lalo na kapag hapon at gabi hanggang weekend dahil sa dalawang low pressure area (LPA).
Ang unang LPA ay namataan sa layong 715 km sa silangan ng Basco, Batanes.
May posibilidad pa itong lumakas ngunit hindi direktang dadaan sa landmass.
Habang ang ikalawang LPA ay namataan sa 130 km sa kanluran timog kanluran ng Iba, Zambales.
Ang naturang namumuong sama ng panahon naman ang nagdadala ng ulan sa Metro Manila at mga karatig na lugar dahil sa pinaigting na epekto ng habagat.
Ang monsoon rains ay umaabot sa malaking parte ng Luzon hanggang sa Western Visayas.