-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 16 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magtiyuhin matapos na mabilhan ng buong puno ng marijuana sa operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Cupang, Banga, Aklan.

Kinilala ang mga suspek na sina Rexel Mationg, 50, isang agriculturist at Russel Sumilang, 29, isang dishwasher at kapwa residente ng naturang lugar.

Ayon kay P/Maj. Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Intelligence Branch (PIB)-Aklan na naging subject ng kanilang buy-bust operation ang magtiyuhin dahil sa natanggap na impormasyon kaugnay sa umano’y pagbebenta ng mga ito ng puno ng marijuana.

Narekober kay Sumilang ang P4,500 na buy-bust money at tatlong iba pang puno ng marijuana na tinatayang may taas na mahigit sa 4 feet.

Kapwa nakakulong ang magtiyuhin sa Banga Police Station na itinuturing na mga street value target.