-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakataas ngayon ang alerto ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao sa posibling pagbaha at pagguho ng lupa

Pinayuhan ni Cotabato Governor Emmylou”Lala”Mendoza ang mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat dahil sa sama ng panahon dulot ng LPA sa bahagi ng Mindanao.

Matatandaan na marami ang nasawi sa baha at landslide sa mga bayan ng Datu Blah Sinsuat,North Upi at Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte sa paghagupit ng bagyong Paeng.

Isa naman ang binawian ng buhay mula sa bayan ng Pigcawayan Cotabato.

Napansin kasi na tumaas ang lebel ng tubig sa kailugan at posibling pagragasa ng baha mula sa ibang probinsya na tatami sa Maguindanao at North Cotabato.

Sa ngayon ay 24/7 na nakaalerto ang PDRRMO Cotabato at Maguindanao katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa malakas na buhos ng ulan.