Pormal na nating binuksan ang DAS COVID-19 Control and prevention center kasama ang IPHO-Maguindanao,RHU,AFP at PNP sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao.
Ayon kay DASMayor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu Ito ay hinanda para sa worst case scenario.
Hindi dapat makampante sa pag-lift ng Enhanced Community Quarantine bagkus mas paigtingin pa ang kahandaan sa anumang Pandemic.
Isa rin sa mga pinaghandaan sa pagtayo ng Isolation Facility ay ang posibleng pagdating ng mga OFW’s mula ibang bansa at ang mga posibleng magbabalik probinsya na uuwi sa bayan ng DAS.
Nais ni Mayor Mangudadatu ng komportableng Quarantine Stay para sa amga kababayan at mga posibleng tamaan ng sakit.
Ang ating COVID-19 Isolation Center ay naglalaman ng mga sumusunod:
Hospital Beds,Aircon, Oxygen Tanks,Regulator and Mask Medical Supply,PPE’s, CCTV,Wi-fi,COVID-19 Patient Transport Vehicles,Kitchen, Bathroom/Comfort Room,Hygiene Kit Linen,TV Triage,Speech Communication Boards, Holy Qur’an and Praying Materials, Bible for Christian Constituents, Quarantine Game Sheets at Psyco-social Interventions with IPHO
Ang mga isasailalim sa Quarantine ng Center na maapektuhan ang hanapbuhay o trabaho ay bibigyan ng sapat na cash assistance o livelihood program upang matulungan ang pamilya nito lalo na ang mga OFW’s.
Ang LGU-DAS ay isa lamang 6th Class Municipality na mayroong maliit na Internal Revenue Allotment (IRA) kumpara sa ibang mga bayan.
Sinisikap ng LGU-DAS na mabigyan ng kalidad na serbisyo ang bayan upang ito ay maging ligtas sa anumang Pandemic.
Samantala, patuloy pa rin ang tulong sa mga magsasaka at kababihan.
Ang pang-apat na wave nang ayuda ay gagawin na rin sa susunod na linggo.
Pagtutuunan ng pansin ng LGU-DAS ang karagdagang suplay ng pagkain at mga programang pangkabuhayan habang lumalaban sa COVID-19.