-- Advertisements --
VIGAN CITY – Naniniwala ang pamilya Momay na may nangahas na kumuha sa bangkay ng kanilang kaanak na si Reynaldo Momay kaya hindi ito natagpuan sa paghuhukay sa katawan ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ng anak ng photojournalist na si Maria Reynafe Momay-Castillo, na posibleng ginamit ang katawan ng kanilang kaanak noon para makuha ang P100,000 na inilabas na danyos para sa mga biktima.
Hindi umano sila naniniwala na tanging bangkay lang ng kanyang ama ang hindi natagpuan sa ginawang search and retrieval operations noog 2009.
Bagamat ibinasura ng korte ang kaso sa kanilang ama, ipagpapatuloy pa rin daw ng pamilya Momay ang paghahanap sa hustisya para sa pinatay na padre de pamilya.