-- Advertisements --

VIGAN CITY – Umaasa ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) na mahahatulan ng guilty ang mga suspek sa nangyaring Maguindanao massacre noong November 23, 2009.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni NUPL chairperson Atty. Neri Colmenares na mayroong dalawang mabibigat na ebidensiya laban sa mga akusado lalo na sa magkakapatid na Ampatuan.

Kabilang aniya rito ang testimonya ng mga testigo at mga larawan ng masaker kasama na rin ang mga kagamitan noon upang itago ang mga bangkay ng mga biktima.

Maaari rin umanong gawing basehan ng korte ang motibo at oportunidad ng mga Ampatuan na gumawa ng krimen lalo pa’t sila ang makapangyarihan sa Maguindanao noong mga panahong nangyari ang krimen.

Ngayong araw, isa ang NUPL sa mga grupong nag-aabang sa magiging resulta ng promulgasyon ng nasabing kaso na umabot ng 10 taon.