GENERAL SANTOS CITY – Aminado si Elliver Cablitas, asawa ng namatay na broadcaster na si Maritess Cablitas, na noon pa lang ay plano na nilang iakyat ang kaso ng Maguindanao massacre sa International Criminal Court kung hindi naging paborable ang hatol ng korte.
Ito ang pahayag ng naulilang mahal sa buhay ng mamamahayag, matapos marinig ang hatul na reclusion perpetua sa mga pangunahing akusado.
Pinasalamata nito si Judge Jocelyn Solis Reyes na hindi natinag sa pamamagitan sa pagbvangga sa impluwensiyadong pamilya ng mga Ampatuan.
Nitong hapon nagtipon amg mga pamilya sa Forest Lake cemetery at sabay na nagpalipad ng puting baloon na may marka na Justice is served.
Nalaman na may isang grupo pa ng mga pamilya ng biktima na dinala sa Novitiate sa Lagao at duon nagsagawa ng Misa habang hinihintay ang hatul sa nasabing kaso.