-- Advertisements --
maguindanao ampatuan massacre
Maguindanao Massacre

KORONADAL CITY – Umaasa pa rin ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na papanig pa rin sa kanila ang desisyon ng kaso sa promulgation na itinakda sa Disyembre 19, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jhanchinne Maravilla, anak ni former chief of reporter Bombo Bart Maravilla, isang malaki umanong tinik ang matatanggal sa kanilang dibdib at isip kapag mahahatulang guilty ang mga suspek sa 58 biktima kabilang na ang 32 kasapi ng media.

Ayon kay Jhanchienne, malaki ang magiging pasasalamat nila kapag maibibigay na ang hustisiya para sa mga biktima, lalo na sa kaniyang ama.

Sinabi rin nito na kapag papabor ang desisyon sa mga akusado, magiging doble ang sakit at hinagpis na kanilang mararanasan kumpara sa araw na nawala ang kanilang mga mahal sa buhay isang dekada na ang nakakaraan.

Sa ngayon, naghahanda na ang bawat pamilya ng mga biktima na pumunta ng Maynila para sa promulgation ng naturang kaso.