-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa mga residente ang nangyaring pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao dakong alas-8:05 nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat ng Maguindanao Police Provincial Office, sumabog ang isang granada malapit sa isang simbahan sa Brgy Poblacion, Datu Piang, Maguindanao.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ng granada ngunit nagulantang ang mga sibilyan sa sobrang takot.
Bago nangyari ang pagsabog namataan umano ng mga residente ang dalawa katao na may inihagis at agad tumalilis sakay ng motorsiklo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Datu Piang PNP sa naturang pangyayari.