![bar1](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/09/bar1.jpg)
Iniulat ni PNP PRO BAR Acting Regional Police Director, PBGen. John Guyguyon na naging maayos at mapayapa ang isinagawang plebisito sa Maguindanao kahapon, September 17,2022.
Ayon kay BGen. Guyguyon, nagsagawa ang PRO BAR ng Intensive Security and Law Enforcement Operation sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang Law Enforcement Agencies na nagpapatibay sa mga hakbang sa seguridad na ipinatupad ng PNP sa lahat ng lugar sa Maguindanao.
Sinabi ng Heneral dahil sa tulong, suporta at kooperasyon ng kanilang mga counterpart dahilan na naging mapayapa at maayos ang pagsasagawa ng plebisito at walang naitalang mga untoward incidents.
“Tulong-tulong tayo na matiyak ang isang tapat, maayos, at mapayapang proseso ng plebisito para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Maguindanao,” pahayag ni Guyguyon.
Nagpapasalamat si Guyguyon sa pagsisikap na ginawa ng Bangsamoro Police Force, AFP, LGU, COMELEC, at iba pang stakeholder para sa matagumpay na pagsasagawa ng plebisito.