-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hindi napigilan ni Maguindanao Second District Representative Esmael Toto Mangudadatu ang kanyang emosyon at hinanakit kasabay ng ika-10 taong anibersaryo ng karumaldumal na Maguindanao massacre.

Sa kanyang mensahe sa harap ng pamilya ng mga biktima, media at ilang opisyal ng gobyerno, ipinahayag nito na kahit na 10 na ang nakalipas, hindi pa rin nito malimutan ang sakit na naramdaman ng kanyang pamilya matapos na mapatay ang asawa nito, mga kapatid at ilang mga kamag-anak.

Bumuhos ang labis na emosyon ni Mangudadatu nang ipinhayag na ginahasa ang lahat ng mga babaeng kasama sa masaker at binaril pa sa mga maselang bahagi ng kanilang katawan.

Samantala, hindi rin napigilan ni Mangudadatu ang galit nito matapos malaman na ilan sa pamilya ng mga biktima ay tinangkang suhuan upang i-urong ang kaso laban sa mga Ampatuan, na syang tinuturong prime suspects sa nasabing massacre.

Kaugnay nito, hinikayat ng opsiyal ang mga pamilya ng Maguindanao Massacre Victims na alalahanin ang brutal na dinanas ng 58 mga indibidwal at hindi magpasilaw sa pera lalo na at nalalapit na ang promulgation ng kaso na nakatakda sa Disyembre 20, 2019.

Sa ngayon, nagpahayag ng kahandaan ag kongresita na ipaglalaban nito ang kaso hanggang sa huli upang maabot lamang ang hustisya na kanilang hinihintay.