-- Advertisements --
Photo © FB Page of Bai Sandra Sema

KORONADAL CITY – Tutol si Maguindanao congressman Bai Sandra Sema na alisin sa Comelec control ang Cotabato City.

Ginawa ng naturang kongresista ang pahayag matapos sinabi ng Cotabato LGU na sana’y tanggalin na ang nasabing control sa kanilang lugar noong nagsimula ang local campaign period noong Marso 29 matapos isinumite ang kanilang petisyon.

Sinabi ni Sema na hindi dapat magpadalos-dalos sa pahayag ang lokal na pamahalaan dahil may posibilidad umanong maulit ang mga kaguluhan at election-related incidents, gaya noong nangyari sa ilang barangay sa Cotabato sa 2018 elections.

Ipinunto rin ng mambabatas ang nangyaring pagsabog noong Disyembre 2018 na nag-iwan ng dalawang patay na naging susi sa pagsasailalim sa lugar sa Comelec control.