Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr,. ang mga residente ng Maguindanao del Norte na makiisa at lumahok sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na May 2025, at siniguro na magiging honest, ordely at credible election ito.
Ipinunto ng Pangulo na ang nasabing halalan ay katuparan ng isang democratic right para makamit ang isang makabauaaluhang autonomiya na nakapaloob sa Comprehensive Agreement of the Bangsamoro sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Nanawagan ang punong ehekutibo sa mga residente na protektahan ang kanilang mga karapatan at makibahagi sa halalan.
Ipinunto din ng Presidente na mahalaga ang pagtutulungan upang maging matagumpay ang misyon, nakamit na ang kapayapaan hindi ito ibig sabihin na tumigil na sa pagbabantay.
Aniya, may mga kalaban par rin na dapat bantayan gaya ng teroristang grupo.