-- Advertisements --
Chiong sisters
Chiong sisters

CEBU CITY – Ipinagdarasal ng ina ng Chiong sisters ang nakatakda umanong pagsuko sa isa pang nakalabas na suspek sa pagpatay kina Mary Joy at Jacquelyn.

Ito ang naging pahayag ni Mrs. Thelma Chiong alinsunod sa kumpirmasyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagsuko ni Jozman Aznar matapos itong binigyan ng 15-day ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, labis na ikinatuwa naman ni Mrs. Chiong ang naunang pagsuko ng dalawang convicts na sina Albert CaƱo at Ariel Balansag noong nakaraang weekend.

Ayon sa ina ng napaslang na magkapatid na sana naman ay magpapakabait na lang ang mga sumukong suspek at hindi na sila gagawa ng anumang kasamaan.

Kinumpirma na rin ng DOJ na sumuko na ang ika-apat na suspek sa Chiong sisters rape-slay case na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Ito ay ang dating inmate na si James Anthony Uy na nakalaya pero nagpahayag na susuko kasama si Aznar.

Napag-alaman na nag-walk out umano si Mrs. Chiong sa kalagitnaan ng speech ni Duterte noong Biyernes ng gabi sa lungsod ng Naga, Cebu.

Kung maalala ay pinuri ng Pangulong Duterte ang dating Bureau of Corrections chief na si Nicanor Faeldon dahil sa isang magandang nagawa nito.

Giit naman ni Mrs. Chiong na isa umanong panloloko ang ginawang pagtanggal ng Pangulo kay Faeldon sa kanyang pwesto.