BOMBO DAGUPAN -Naglabas ng saloobin ang mga magulang ng Overseas Filipino Worker na tubong Pampanga na nasawi sa gyera sa Israel.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ginang Lilina Castelvi, ina ni Paul Vincent Castelvi, inilarawan siya bilang dakilang anak, kapatid, asawa at kaibigan.
Saad niya na mahilig na magsurpresa ang anak na si Paul at hindi nagsasabi kung uuwi na ito sa bansa.
Natakda sanang umuwi si Paul upang makasama sana ang kanyang pamilya ngunit laking panlulumo ng mga ito dahil uuwi na itong wala ng buhay.
Masaya sana ang mga magulang nito dahil matapos ang limang taon na pamamalagi sa Israel ay muli sana nila itong makita at mahagkan.
Inilarawan pa niya na mapagmahal sa pamilya at plano pa sana nitong ipagawa ang kanilang bahay.