-- Advertisements --

Nahuli na ng mga otoridad ang mag-asawang James at Jennifer Crumbley.

Sila ang magulang ng 15-anyos na suspek na namaril sa loob ng paaralan sa Michigan na ikinasawi ng 4 katao habang marami ang sugatan.

Pinalibutan ng mga state police at SWAT team ang area ng 1100 block ng Bellevue sa Detroit kung saan natagpuan ang kanilang inabandunang SUV.

Una nang nag-alok ng 10,000 US dollars ang US marshals bilang reward sa mga makapagturo sa lokasyon ng dalawang pugante.

Magugunitang, nagkasa ng manhunt operation ang Federal Bureau of Investigation at US marshals laban sa mga magulang ng isang teenager matapos na iulat ng mga awtoridad na missing ang mga ito.

Kasunod ito ng pagsampa ng prosecutor ng involuntary manslaughter charges laban sa magulang ng 15 anyos na si Ethan Crumbley dahil sa kanilang “egregious” acts sa pagbili ng baril noong Black Friday at ginamit ng kanilang anak na ikinasawi ng apat na estyudyante sa Michigan high school at ilan pang sugatan sa Oxford high school.

Itinuturing na deadliest ito sa US K-12 campus mula 2018 at ika-32 insidente ng pamamaril mula August 1.