-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walang ka-alam alam ang mga magulang ni Cadet First Class (Cdt 1stCL) Jeneth Elumba ng Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte na topnothcer pala ito sa 2024 graduating class ng Philippine Military Academy o PMA.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng ama nitong si Valentino Elumba, isang magsasaka at punong barangay ng Brgy. Tugbungon, na na-shock na lamang sila ng kanyang asawa sa tagumpay ng kanilang anak matapos sabihan ng kanilang mga kapitbahay na magna cum laude pala ito.

Tumawag umano ang kanilang anak at sinabihan lang sila na dadalo sa graduation ceremony nito sa Baguio City.

Napag-alamang nag-exam din pala ito sa Phiippine National Police Academy o PNPA at mas pinili ang pagpasok sa PMA dahil ito ang unang tumawag sa kanya.

Napili umano ng kanyang anak na pumasok sa Philippine Military Academy dahil sa kawalan nila ng perang mapapasok nila ito sa kolehiyo kungsaan dalawang taon din itong nakapag-aral sa University of the Philippines sa Tacloban City.