-- Advertisements --
Pacquiao roach

Asahan umano na mas agresibo si Sen. Manny Pacquiao sa bakbakan nila ni Keith Thurman kumpara sa mga nakalipas nitong mga laban.

Paniwala ni coach Freddie Roach, ito raw ay dahil sa nagngingitngit sa inis si Pacquiao dahil sa ginagawa sa kanyang pangangantiyaw ni Thurman.

“I like how Manny’s a little bit angry, I think he fights well. He’s smarter and better when he is,” ani Roach.

Sa kabila rin aniya ng haba ng galamay at tangkad ni Thurman, mapupuwersa umano ni Pacquiao na mapasandal sa lubid ang WBA “super” welterweight champion sa pamamagitan ng kanyang in-and-out na laro at kakayahang magpakawala ng suntok sa kakaibang mga anggulo.

“I think Manny can back Thurman up. I plan on putting Thurman on the ropes in this fight and Manny being a little more aggressive there,” anang boxing coach.

“And once he puts him on the ropes, I think he’ll have him.”

Ayon pa sa American guru, kaya raw madetermina agad sa first round kung sino ang uuwing nakangiti sa laban.

Katwiran ni Roach, sinuman kina Pacquiao at Thurman ang makakontrol sa first round ang siyang makakakuha ng malaking bentahe.

“I think whoever takes control of that first round is going to have a big advantage,” wika ni Roach. “The first round will tell me who’s gonna win the fight. That’s why we’re coming hot.”