Umaasa si Barangay Ginebra coach Tim Cone na nagamit ni Greg Slaughter ang mahabang PBA break dahil sa coronavirus upang makapag-isip-isip kung itutuloy pa ba nito ang kanyang karera sa team at sa liga.
Ayon kay Cone, wala pa raw siya gaanong balita kay Slaughter mula nang bumalik sa Estados Unidos ang Ginebra big man noong offseason.
“I haven’t had any communication with him aside from seeing things that had been on social media a couple of times,” wika ni Cone sa isang panayam.
Inihayag ni Cone na sana raw sa pagbalik ni Slaughter sa bansa ay nakapagpasya na ito ukol sa kanyang comeback.
Maaalalang noong Pebrero ay nagpasya si Slaughter na magpahinga muna makaraang mag-expire na ang kanyang kontrata sa ilalim ng Gin Kings.
“Six years, four championships, a lifetime of experiences and memories. It has been a fun ride with this team,” saad ni Slaughter sa isang Instagram post.
“I will be forever proud to have played for Ginebra, a dream of mine that came true when they drafted me in 2013.”