-- Advertisements --
Nananatili ang mahabang pila kung saan nasa dalawang milya na ang haba sa South Bank ng River Thames habang naghihintay ang mga tao para magbigay galang kay Queen Elizabeth II.
Ang burol ng reyna ay nasa estado sa Westminster Hall kung saan libu-libong mga nagdadalamhati ang nakapila sa buong gabi para sa kanilang pagkakataong makapalit sa kabaong nito.
Si King Charles III naman ay gumugugol ng araw sa kanyang tahanan sa Highgrove.
Sina Prince Wales William at Princess Wales Kate naman ay pupunta ng Sandringham upang tingnan ang mga pagpupugay sa bulaklak.
Napag-alaman na ang ang libing ng Reyna ay gaganapin sa Lunes 19 Setyembre.