-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Idinaraing ng mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) maging ng local government unit sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang sobrang mahal na pamasahe na ibabayad ng mga uuwing kababayan mula sa ibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Surallah Mayor Antonio Bendita, sinabi nitong umaaray sila sa mahal na paniningil ng Provincial Tourism Office kung saan ang pamasahe ng mga OFW mula sa Davao lulan ng bus ay tumatakbo sa hanggang P1,500.
At kung sasakay naman sa eroplano ang mga ito, nasa P5,000 hanggang P6,000 ang kailangang bayaran ng mga ito.
Ngunit para kay Mayor Bendita, mas mabuti sana kapag gagawin itong libre at sanay unahin ang kapakanan ng mamamayan at hindi negosyo.