LEGAZPI CITY – Binigyang pugay ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang lahat ng radio personalities sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng World Radio Day.
Ayon kay PTFoMS executive director Undersecretary Joel Sy Egco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking papel ang ginagampanan ng mga mamamahayag sa pagapaabot ng mahahalagang impormasyon lalo na sa tuwing mayroong kalamidad.
Kinilala ng opisyal ang kahalagahan ng radyo sa panahon ng pandemya, kung saan maraming lugar sa bansa ang umaasa lamang mga impormasyon na naririnig dito.
Aniya, ang mga mamamahayag sa radyo ang isa sa mga pinaka-vulnerable sa mga pagbabanta sa buhay kung saan kadalasan na ang mga blocktimer ang nagiging biktima.
Kaugnay nito, siniguro ng opisyal na mabibigyan ng hustisya ang lahat ng kadahasan na kinasangkutan ng mga media personalities at papaigtingin pa ang pagbibigay ng seguridad sa mga ito upang hindi malagay sa alanganin ang buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Nabatid na sa kasalukuyan, tinatayang nasa 80 media killings na ang nalutas at na-convict ang mga suspek.