-- Advertisements --
image 591

Kinilala ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Felipe Medalla ang malaking papel ng mga bangko sa pagpapatatag ng ekonomiya ng ating bansa.

Ginawa ni Medalla ang pahayag sa general membership meeting ng Chamber of Thrift Banks (CTB) na idinaos sa Makati city, kung saan nagsilbing key note speaker ang Bangko Sentral head.

Dito ay nanumpa rin ang mga bagong opisyal ng chamber sa pangunguna ni Cecilio San Pedro, bilang presidente ng Chamber of Thrift Banks; Mary Jane Perreras, bilang auditor; habang kabilang naman sa board of trustees si Ms. Margaret Ruth C. Florete, ang president ng Queen City Development Bank at siya ring president and chief executive officer ng Bombo Radyo Philippines.

Samantala, pinakakalma naman ng bangko Sentral ang publiko sa epekto ng mahinang Philippine peso.

Aniya, may positibong dulot pa rin ito sa ating ekonomiya dahil nababawasan ang smuggling at ilang iligal na aktibidad mula sa external sources.

Hindi raw kasi gaanong kikita ang mga nagpupuslit kapag mababa ang halaga ng local currency sa ilang pagkakataon.

Gayunman, nagkakaroon umano ng adjustment ang Bangko Sentral bilang parte ng balancing act, ngunit maraming isinasa-alang alang sa bagay na ito.