-- Advertisements --

Binigyang diin ng pamunuan ng Philippine National Police na mayroong naging malaking papel ang mga barangay sa pagsugpo ng ilegal na droga sa kanilang komunidad.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangan na makakuha ng suporta ang Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Ayon kay Gen. Marbil, makatutulong ito upang mapalakas ang pagsasagawa ng mga intelligence gathering ng pulisya.

Iginiit pa nito na nagsisilbing frontliner sa kanilang mga anti- illegal drug operations ang Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Bukod dito ay malaking tulong rin ito sa mga user at pusher na makapagbagong buhay.

Ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ay nagsisilbing mata sa kanilang komunidad para ma monitor ang mga ilegal na drogang ibinabagsak at ibinebenta sa kanilang lugar.