-- Advertisements --
image 92

Iminungkahi ng isang mambabatas na dapat magmula sa pribadong sektor at hindi alter ego ng Pangulo ang uupong chairman ng board of directors ng Maharlika Wealth Fund.

Ginawa ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang naturang pahayag matapos na mapag-alaman ang bubuo sa board of directors ng naturang panukala.

Aniya, dapat na maging kwalipikado at isang experienced economic manager mula sa private sector ang maging chair ng Maharlika investment fund.

Una rito, sa pagrepaso ng Maharlika fund inalis ang Pangulo bilang chairman at sa halip ay ipinalit bilang chairman ng board of directors ang kalihim ng Finance Department.

Subalit ayon kay Rep. Lagman na nanunungkulan ang Finance Secretary alinsunod sa kagustuhan ng Pangulo at dapat na tumalima sa bidding ng Pangulo para mapanatili sa kaniyang posisyon.

Tututukan naman ng Maharlika Wealth Fund Corporation (MWFC) ang paggamit ng MWF na mahalaga sa sovereign wealth fund katulad sa karatig na mga bansa sa Philippines’ Association of Southeast Asian Nation (ASEAN).

Giit pa ng mambabatas na sakali aniya na mabuo ang Maharlika wealth fund dapat na maging dependent ang corporate management nito mula sa kontrol at pangingialam ng Partisan.