Opisyal nang gumawa ng global debut ang
iminungkahing Maharlika Wealth Fund (MWF).
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi lamang nito iniiba-iba ang portfolio ng pananalapi ng bansa kundi sugpuin din nito ang adverse shocks.
Sa kanyang talumpati, itinampok ng Pangulo ang mga controversial proposed sovereign wealth fund, isa na rito ang pag-iba-iba ng portfolio ng bansa.
Ang nasabing pondo ay isang kasangkapan sa kanilang pagsisikap na pag-iba-ibahin ang kanilang financial portfolio, na kinabibilangan ng mga umiiral na institusyon na naghahabol ng mga investments.
Layon nito ay makapag-generate ng kita gayundin ang mga welfare effects na sumasaklaw sa paglikha ng trabaho, pagpapabuti ng serbisyong pampubliko, at pagbaba sa mga gastos sa mga aktibidad sa ekonomiya.
Ang Maharlika Wealth Fund (MWF) ay isang sovereign wealth fund na gagamitin ng gobyerno para mamuhunan sa iba’t ibang outlet, tulad ng foreign currency, fixed-income instruments, domestic at foreign corporate bonds, commercial real estate, at mga proyektong pang-imprastraktura.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na ang Maharlika Wealth Fund (MWF) ay naglalayon sa makabuluhang pamumuhunan sa mga mahahalagang lugar tulad ng agrikultura, enerhiya, digitalization, at climate change.