Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na aabot na sa kabuuang ₱55-M na halaga ng tulong ang kanilang naihatid na ayuda sa mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Ayon kay DSWD Spox. at Assistant Secretary Irene Dumlao , partikular na kanilang ipinaabot ay mga family food packs.
Ipinadala ang nasabing tulong sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine kabilang na ang Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, at labing tatlong rehiyon sa bansa.
Batay sa datos ng ahensya , aabot na sa mahigit 488,776 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo katumbas naman ng aabot sa 2.1 milyong indibidwal.
As of Oct. 24, sumampa na rin sa 48,000 na mga pamilya ang pansamantalang nanamamalagi sa mga mga evacuation areas dahil sa sama ng panahon.
Una nang tiniyak ni Dumlao na sapat ang pondo ng DSWD para sa mga susunod pang bagyo o kalamidad na tatama sa bansa.