-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 1.1 milyon doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Pfizer ang dumating sa bansa.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas 8 nitong gabi ng Disyembre 23 ang eroplanong lulan ng 1,187,550 bakuna na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.
Ang nasabing bakuna ay bukod pa sa naunang 1,543,230 doses na Pfizer COVID-19 vaccines na naunang dumating sa parehas na araw.
Mula pa noong Pebrero ay mayroon ng mahigit 192 milyon doses ng magkakaibang bakuna ang dumating na sa bansa kung saan 104 milyon na ang nagamit.