-- Advertisements --
Mahigit 1.1 milyon doses ng Pfizer COVID-19 ang natanggap ng bansa.
Pasado alas-nuebe nitong gabi ng Lunes ng lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng 1,187,550 doses ng COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ipapamahagi ang nasabing gma bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ang nasabing bakuna na binili ng gobyerno ay bukod pa sa naunang dumating na 587,800 doses ng Moderna COVID-19 vaccines nitong hapon ng Lunes.