-- Advertisements --

MAGUNDANAO – Nasamsam ng PDEA-BARMM ang apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 200 gramo na nagkakahalaga ng P1,360,000, sa mag-asawang sina Muslima Indag Zainal at Kal Malayag Zainal, residente ng Brgy. Buliten, Datu Salibo, Maguindanao, at pinaghihinalaag miyembro MILF.

Nakuha rin sa posisyon ng mga suspect ang isang Cal. 40 glock 22 pistol chamber loaded with 12 live ammunition, Isang magazine at mga bala.

Mahaharap ang mga nahuling suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002, at karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.