Iniulat ng National Telecommunications Commission(NTC) ang pagkakaharang sa mahigit isang bilyong mga SMS (Short Message Service) mula nang ipatupad ang SIM Registration Law.
Batay sa datos ng NTC, umabot sa 1.560 billion SMS ang na-block mula noong ipinatupad ang naturang batas hanggang nitong July, 2024.
Ang mga naturang mensahe ay naglalaman ng mga game link, bank link, loan, raffle, employment, atbp, na pawang mga itinuturing na scam
Ayon pa sa NTC, naging epektibo ang naturang batas upang mapigilang makapasok ang mga scam text sa mga mobile phone user.
Iniulat din ng NTC na nakapag-deactivate na ang mga public telecommunication entity(PTE) ng hanggang 661,685 SIM card kung habang umabot na rin sa 677,563 SIM card ang napabilang sa blacklist.
Sa kabila nito ay aminado naman ang komisyon na nananatiling malaking hamon ang paggamit ng mga pekeng picture at ID sa pagpaparehistro sa mga SIM card.
Sa ngayon ay umaabot na sa 155.7 million ang kabuuang bilang ng mga nairehistrong SIM card sa buong Pilipinas mula nang simulan ito noong nakalipas na taon.