Nasa kabuuang 1,501 irregular birth certificates ang inisyu ng Davao del Sur sa mga banyaga mula 2016 hanggang 2023.
Ito ang nabunyag sa isinagawa ng pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committe nitong nakalipas na araw.
Ayon sa komite kanila ng iniimbestigahan ang hindi awtorisadong paglaganap at paggamit ng mga dayuhan ng mga dokumento ng gobyerno ng Pilipinas.
Tumestigo si Sta. Cruz government Legal Officer Ryonnel Cabardo na walang magulang na Pilipino na nakalagay sa 54 na birth certificates na inisyu sa mga banyaga sa halip ay may mga dayuhang magulang na Chinese.
Nadiskubre na ang naturang mga dokumento ay kulang sa attachments kayat napagtanto na iregular na inisyu ang naturang mga birth certificate.
Aniya isang job order employee ang nag-asikaso ng mga transaksiyon na hindi na ni-renew ang kontrata noong Enero 2024. Hindi naman na pinangalanan ni Cabardo ang naturang empleyado. Tila tampered din aniya ang mga dokumento dahil parehong midwife ang signatory.
Sa ngayon, sinuspendi na ang head ng local civil registry na sangkot sa pag-iisyu ng iregular sa birth certificates para sa mga dayuhan.