Patuloy ang pananalasa ng hurricane Milton sa Florida, USA, kasunod ng nauna nitong pag-landfall malapit sa Siesta Key ngayong araw(Miyerkules ng gabi sa US).
Batay sa inisyal na report na inilabas ng US-based group na PowerOutage.us, walang supply ng kuryente ang mahigit 1.6 million power consumer sa buong Florida.
Posible din umanong lolobo pa ang naturang bilang habang patuloy na naapektuhan ang mga transmission lines, at mga power infrastracture sa buong estado.
Samantala, pinangangambahan naman ang lalo pang pagtaas ng mga daluyong sa sa Gulf Coast ng Florida dulot ng malalakas na pag-hangin.
Sa unang abiso ng US government, inaasahang aabot mula 9 feet hanggang 13 feet ang storm surge o daluyong.
Matapos ang pag-landfall ng bagyong Milton, taglay pa rin nito ang hangin na aabot sa 110 mph at maximum sustained winds na aabot sa 96-110 mph.
Ito ay bahagyang mas mababa kumpara sa 120mph na taglay nito bago ang ginawang pag-landfall.
Sa kasalukuyan ay nakakaranas ang malaking bahagi ng Florida ng mula 3 hanggang limang pulgada na ulan bawat oras.