-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng kabuuang 1,709 na insidente ng pang-aabuso na idinulog ng mga estudyanteng biktima.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, base sa datos nitong Nobiyembre 27, ang verbal abuse ang pinakamadaming natanggap na reklamo sa inilunsad na Helpline ng ahensiya, sinundan ito ng sexual abuse at cyberbullying.

Ibinunyag ito ng Bise Presidente kasabay ng ika-31 National Children’s Month culminating program.

Kung kayat ayon kay VP Sara naglatag na ang Learner Rights and Protection Office (LRPO) ng DepEd ng mga mekanismo sa mga paaralan para maresolba ang mga reklamo ng mga estudyante.

Hinimok din ni Duterte ang teaching at non-teaching DepEd personnel na magkaroon ng isang maayos at ligtas na espasyo para sa mga mag-aaral.

Naghain na rin ang ahensiya ng mga reklamong administratibo laban sa ilang personnel na sangkot sa pang-aabuso sa mga estudyante.