Matatanggap na ng mahigit 1.8 million na empleyado ng pamahalaan ang kanilang one-time service recognition incentive (SRI) na P20,000 simula ngayong araw, Dec 15.
Maalalang una nang inaprubahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng naturang insentibo sa mga empleyado ng piling ahensya ng pamahalaan.
Ito ay bahagi ng pagkilala ng Administrasyon sa dedikasyon at sakripisyo ng mga government employees.
Kabilang sa mga kwalipikadong makatanggap ng naturang insentibo ay ang mga empleyado ng state universities and colleges, government-owned or controlled corporations, at mga miyembro ng AFP.
Kasama rin dito ang mga miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at ang mga empleyado ng National Mapping and Resource Information Authority.
Para sa mga LGU, ang kani-kanilang mga Sanggunian ang tutukoy sa kung sino ang makakatanggap ng insentibo batay na rin sa financial capability ng mga naturang LGU.
Maliban sa mga empleyado ng pamahalaan, bibigyan din ng one-time grant ang mga job order(JO) workers at mga Contract of Service(COS). Ang mga ito ay tatanggap ng P5,000.