-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sinira at pinasagasaan ng pison ang mahigit isang libong mga armas na narekober, nakumpiska at isinuko sa militar sa Maguindanao.

Ang mga baril ay kinabibilangan ng 86 high powered firearms, 94 low-powered loose firearms, 779 assorted firearms, 291 anti-personnel mines at improvised explosive eevice (IED).

Ang ceremonial demilitarization ng mga armas ay kasabay ng 34th Founding Anniversary ng 6th Infantry (Kampilan) Division na dinaluhan ni Philippine Army chief Lieutenant General Andres Centino.

Ang mga armas ay nakumpiska, narekober at naisuko sa militar mula sa mga miyembro ng communist terrorist groups.

Tiniyak naman ni 6th ID chief at Joint Task Force Central commander Major/General Juvymax Uy na paiigtingin pa nila ang kampanya kontra loose firearms sa kanilang lugar.