Nagsagawa ng dalawang araw na relief effort si Senator Christopher “Bong” Go at kaniyang sa General Mamerto Natividad, Nueva Ecija.
Namahagi ang team ng senador ng face masks, snacks, at t-shirts sa 1,040 struggling residents sa nasabing lugar.
May mga nakatanggap din ng sapatos at bola para sa basketball at volleyball.
Ang mga benepisyaryo ay tumanggap din ng tulong pinansyal mula sa DSWD.
Sa kaniyang video message, hinikayat ni Go na siya ring chairman ng Senate Committee on Health and Demography ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na magpabakuna na.
Ayon sa senador kahit na unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay, mas mainam pa ring magbakuna.
“Habang tuluy-tuloy ang ating pagpapabakuna, huwag po natin kalimutan na sumunod pa rin sa health protocols, tulad ng pagsuot ng face mask at hugas ng kamay. Huwag maging kumpiyansa, delikado po itong kalaban natin na hindi natin nakikita,” paalala ng senador.
Pinaalalahanan din ni Go ang mga residente na nangangailangan ng atensyong medikal na magtungo sa Malasakit Center sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (DPJGMRMC), na kapwa nasa Cabanatuan City; at sa Talavera General Hospital na nasa bayan ng Talavera.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ang mga may karamdaman ay maaaring makakuha ng medical assistance programs mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sinabi rin ni Go na mayroong Specialty Centers sa DPJGMRMC. Nag-aalok ito ng serbisyo gaya ng burn care, trauma care, at eye care.
Noong May 31, niratipikahan ng senado ang Bicameral Conference Report kaugnay sa Regional Specialty Centers Act na inisponsor ni Go.
Kung maging ganap na batas, aatasan ang DOH na maglagay ng specialty centers sa mga DOH hospitals sa bawat rehiyon sa bansa.