Pumalo na sa mahigit isang libo ang mga indibidwal na naaaresto ng kapulisan nang dahil sa paglabag umiiral na election gun ban.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Pambansang Pulisya, pumalo na sa 1,063 katao ang arestado ng mga otoridad nang dahil sa hindi awtorisadong pagdadala ng armas ngayong panahon ng election gun ban.
Habang nasa 654 na mga baril naman ang nakumpiska na ng kapulisan.
Kaugnay nito ay nasa 1,288 na mga armas ang nadeposit na sa mga police station para sa safekeeping, habang 1,156 naman na mga baril ang kusang isinuko sa pulisya.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, karamihan sa mga naaresto ay pawang mga sibilyan.
Ang mga ito aniya ay kapwa mga naaresto sa mga Comelec checkpoint at maging sa iba pang ikinasang operasyon ng Pambansang Pulisya.