-- Advertisements --
Mahigit 1,000 katao ang nakadama ng problema sa paghinga matapos ang pagtama ng sandstorm sa central at southern Iraq.
Ayon sa mga opisyal ng Muthanna province na mayroong 700 na iba pa ang nakaranas ng suffocation.
Nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente at pagsuspendi ng flight sa ilang rehiyon dahil sa insidente.
Normal na nakakaranas ang dust storms sa Iraq pero mas dumadalas ito dahil sa climate change.