-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tatanggap ng indemnity claim sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mahigit 1,000 magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot at brown planthoppers sa Cauayan City.

Sa pangunguna ng PCIC katuwang ang City Agriculture Office ay isasagawa ang apat na araw na pagpapalabas ng indemnity Check na nagsimula kahapon araw ng Martes.

Batay sa talaan natapos na ang pamamahagi ng indemnity checks sa mga barangay ng Rogus, Sta. Maria, Baculod, Dianao, Disimuray, Maligaya, at Villa conception.

Habang isinasagawa naman ang paglalabas ng tseke sa mga barangay ng Gappal, Linglingay, Manaoag, Bugallon,San Luis, San Pablo, Sinippil at Villa Luna.

Bukas, araw ng huwebes isasagawa ang paglalabas ng tseke mga barangay ng Carabatan Bacarenio, Carabatan Grande, Carabatan Punta, Cabaruan, Nagcampegan, at Turayong habang sa araw naman ng biyernes isasagawa ang releasing sa mga barangay ng Buyon, Buena Suerte, Culalabat, Gagabutan, Guayabal, Marabulig uno, Marabulig dos, Naganacan, Nagrumbuan, San Francisco at Sto. Domingo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Eng’r. Ricardo Alonzo sinabi niya na naglaan ang PCIC ng Labing limang milyong pisong pondo para sa Isang Libo anim naraan at siyamnapu’t anim na magsasakang naapektuhan ng tagtuyot at pananalasa ng Brown Plant hopers sa Lunsod.

Aminado naman si Engr. Alonzo na unang araw pa lamang ng kanilang releasing ay dinumog na sila ng mga reklamo ng mga magsasakang hindi napabilang sa listahan.

Paliwanag niya na nasa quarter list pa lamang ang ipinalabas na listahan ng PCIC kaya’t inaasahang mayroon pang mga magsasaka ang mapapabilang sa mga tatanggap ng mga indemnity claim.