-- Advertisements --

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group ang nanunutralisa ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, mula noong Enero 1, 2024 hanggang Mayo 23, 2024 ay pumalo na sa kabuuang 1,045 ang bilang mga rebelde ang na-nutralisa na ng kasundaluhan.

Mula sa naturang bilang ay aabot sa 926 ang pawang mga sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan, 58 ang arestado, at 61 naman ang napatay sa mga ikinasang operasyon ng militar.

Bukod dito ay may nakumpiska rin na 477 mga armas ang mga tropa na agad naman isinurender sa mga otoridad.

Samantala, kasabay nito ay iniulat din ni Col. Padilla na mayroong 136 local terrorist group ang na-nutralisa rin ng kasundaluhan kung saan 42 sa mga ito ang napatay, 89 ang sumuko, at lima naman ang pawang mga nadakip ng mga militar.