-- Advertisements --
Mahigit sa 1,000 mga bata na mayroong comorbidities ang naturukan na ng COVID-19 vaccine sa unang araw ng pediactric vaccination ng bansa.
Ayon sa Department of Health, na mayroong kabuuang 1,031 kabataan na may edad 12 hanggang 17.
Ang datus aniya ay mula sa National Vaccine Operations Center (NVOC) ng DOH.
Ang mga ito ay galing sa Makati Medical Center, Philippine Heart Center, St. Luke’s Medical Center-Global City at Pasig City Children’s Hospital.
Sinabi naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na mahalaga ang pagpapabakuna ng mga menor de edad dahil mapoprotektahan din ang mga mahal nila sa buhay.
Base kasi sa datos ng DOH ay mayroong 1.2 milyon kabataan na may comorbidities na edad 12-17-anyos ang bilang sa bansa.